Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo
sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.
Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa
ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan
tayo?!
Toto: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy!
Juvy: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?
Toto: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!
Dok: May taning na ang buhay mo
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!
Lito: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?
Joseph: Diyos ko naman! Di mo ba alam 'yun?! Ang H2O ay water!
At ang CO2...
cold water.
Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang
sabihin kung
may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Dado. Isang gabi, may narinig na boses si
Rodel na parang
kay Dado.
"Ikaw ba 'yan, Dado?" usisa ni Rodel.
"Oo naman!" tugon ni Dado.
"Parang hindi totoo!" bulalas ni Rodel. "O ano, meron bang
basketbol sa
langit?"
Sagot ni Dado, "May maganda at masama akong balita sa 'yo. Ang
maganda, may
basketbol doon. Ang masama... kasali ka sa makakalaban namin
bukas!" (ngek!)
Usapan ng dalawang bata...
Junjun: Magaling ang tatay ko! Alam mo, ' yangPacific Ocean ,
siya ang
humukay nun!
Pedrito: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo 'yung Dead Sea ?
Junjun: Oo...
Pedrito: Siya ang pumatay nun!
Stewardess: Do you want a drink, sir?
Sir: What are my choices?
Stewardess: Yes or No.
Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway
Mabuti pa,
umalis na ako sa bahay na 'to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito,away roon! Mabuti
pasiguro,
sumama na ako sa 'yo!
Advantage at disadvantage ng may-asawa...
ADVANTAGE: 'Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: 'Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!
Sa isang classroom...
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than d ucks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.
Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain.
Ngayong mahirap
na kami, nakakutsara na.
Pedro: Baligtad yata?
Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!
Anak: Itay, nagpapatanong si ma'am kung anoraw ang propesyon
mo.
Itay: Sabihin mo, cardiologist.
Anak: Ano po ba ang cardiologist, Itay?
Itay: 'Yung tagaayos ng radio sa car!
Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa 'kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: 'Yun lang? Anong masama ru'n?
Harry: Ang masama ru'n... twins kami! Twins!